Pagbati para sa Bagong Taong Tsino, inihayag ni Xi Jinping sa mga mamamayan

2023-01-18 21:05:24  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video, ipinahayag ngayong araw, Enero 19, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati para sa Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino, pinakamahalagang kapistahan ng Tsina, sa mga mamamayang Tsino sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.


Sa kanyang pakikipag-usap sa mga tauhang medikal sa lalawigang Heilongjiang, nalaman ni Xi ang kalagayan ng pagbibigay-lunas sa mga maysakit ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), reserba ng mga gamot at paggaling ng mga may-sakit matapos i-optimisa ng bansa ang mga hakbangin laban sa COVID-19.


Sa kanya namang pakikipag-usap sa matatanda sa lalawigang Fujian, nalaman din ni Xi ang kalagayan ng kalusugan, at pang-araw-araw na pamumuhay ng matatanda.


Bukod dito, nakipag-usap din si Xi sa mga trabahante, nagtitinda, at manggagawa sa nakakababang unit ng pamahalaan sa iba’t-ibang lugar ng bansa upang ipaabot ang pangungumusta at pagbati.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio