Pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon, muling ipinangako ng Tsina

2023-01-18 11:31:52  CRI
Share with:

Sa kanyang talumpati sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, ipinahayag Enero 17, 2023 ni Pangalawang Premyer Liu He ng Tsina, na palaging pangunahin at sentral na misyon ng pamahalaang Tsino ang pag-unlad ng kabuhayan.


Nananatiling hangarin ng Tsina ang pagpapatupad ng de-kalidad na pag-unlad ng ekonomiya, aniya pa.


Inulit din ni Liu ang pangako ng Tsina sa pagsasagawa ng komprehensibong pagbubukas sa labas, at pagpapasulong ng kooperasyon sa iba pang mga bansa tungo sa katatagan at kaunlaran ng kabuhayang pandaigdig.


Dagdag niya, matapos ang puspusang pagsisikap, siguradong bubuti ang kabuhayang Tsino sa kasalukuyang taon, at aabot sa normal na lebel ang bahagdan ng paglaki kabuhayan ng bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio