CMG Komentaryo: Diskriminatoryong hakbangin ng ilang bansa laban sa mga turistang Tsino, nakakapinsala sa sarili

2023-01-19 14:30:09  CMG
Share with:

 

Pagkatapos ng optimisasyon ng Tsina sa mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), napadali ang pagpapalitan ng mga tao sa pagitan ng Tsina at ibang bansa.

 

Pero, taliwas sa kahilingan ng normalisasyon ng pagpapalitan sa buong daigdig at pagbangon ng industriya ng turismo, inilunsad ng ilang bansa ang mga diskriminatoryong hakbangin laban sa pagpasok ng mga turistang Tsino sa kanilang nasasakupan.

 

Batay rito, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga katugong hakbangin na naglalayong pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga Tsino at normal na kapaligiran ng pagpapalagayan sa pagitan ng Tsina at ibang mga bansa.

 

Ilan sa mga bansang nagsasagawa ng nasabing diskriminasyon ay Amerika, Hapon at Timog Korea.

 

Ang kanilang paglulunsad ng ganitong gawain ay hindi nakabase sa siyensiya at katotohanan.

Bilang isang kowalisyon, nais ng tatlong bansa na gamitin ang mga turistang Tsino bilang estratehiya upang supilin ang Tsina.

 

Sa katotohanan, ang paglimita sa pagpasok ng mga turistang Tsino ay makakaapekto sa pagbangon ng kanilang industriya ng turismo at domestikong komersyo, at ito ay hindi responsibilidad ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio