Ministro ng interyor ng Ukraine, patay sa pagbagsak ng helikopter malapit sa Kiev: 15 iba pa, nasawi

2023-01-19 17:57:00  CMG
Share with:


 

Nasawi si Denys Monastyrsky, Ministro ng Interyor ng Ukraine sa pagbagsak ng helikopter, Enero 18, 2023, sa Brovary, bayan malapit sa Kiev, kabisera ng bansa.

 

Ayon sa State Emergency Service ng Ukraine, ilan pa sa mga namatay ay sina Yevhen Yenin, Ikalawang Ministro ng Interyor; Yuriy Lubkovych, Kalihim ng Estado ng Ministri ng Usaping Panloob; at 13 iba pa.

 

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang insidente ay 16 katao - taliwas sa naunang napabalita na 18.

 

Samantala, 30 naman ang naitalang sugatan.

 

 

Salin: Sarah

Pulido:Rhio