Pagbati ni Xi Jinping sa mga mamamayan sa Pestibal ng Tagsibol

2023-01-19 18:20:14  CMG
Share with:

Ang Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino ay ang pinakamahalagang pagdiriwang para sa mga mamamayang Tsino.

 

Sapul nang manungkulan si Xi Jinping bilang pinakamataas na lider ng Tsina, bawat Pestibal ng Tagsibol ay nagtutungo siya sa iba’t-ibang lugar ng bansa para ipahayag ang pagbati sa mga mamamayan.

Si Pangulong Xi nasa lalawigang Guizhou sa dakong timog kanluran ng Tsina, Pebrero 3, 2021

Si Pangulong Xi nasa Beijing, unang araw ng Pebrero, 2019

 

Iba't-iba ang kagawian sa bawat lugar, pero pare-pareho ang mithiin ng mga Tsino -  magkaroon ng isang masagana at maligayang bagong taon.

 

Sa pamamagitan ng mga lokal na tradisyon, nadarama ni Pangulong Xi at mga lokal na mamamayan ang maligayang pagdiriwang ng bagong taon.


Si Pangulong Xi nasa Inner Monggolia, Enero 27, 2014


Sa pagdating ng Pestibal ng Tagsibol ngayong 2023, ipinahayag ni Xi Jinping ang kanyang pagbati sa mga Tsino sa pamamagitan ng video.

 


Kinatagpo rin niya sa pamamagitan nito ang mas maraming mamamayan, na tulad ng mga tauhang medikal, matatanda, turista sa tren, mga magsasaka at iba pa, at ipinaabot niya ang taos pusong pagbati sa kanila.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio