Ulat ni Xi Jinping sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, inilimbag sa dayuhang wika

2023-01-20 17:44:00  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency nitong Huwebes, Enero 19, 2023 inilimbag na ng Foreign Languages Press ng Tsina ang ulat ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Senral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, sa 10 dayuhang wika na kinabibilangan ng Ingles, Pranses, Ruso, Arabe, Espanyol, Portuges, Aleman, Hapones, Biyetnames, at Lao.

 

Pinamatagang “Hold High the Great Banner of Socialism with Chinese Characteristics and Strive in Unity to Build a Modern Socialist Country in All Respects,” inilahad ang nasabing ulat sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC noong Oktubre 16, 2022 sa Beijing.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio