Promosyon ng 2023 Spring Festival Gala ng CMG, nakikita sa Amerika at mga bansang Europeo

2023-01-20 15:31:10  CMG
Share with:

 

Kitang-kita sa sentro ng Roma, kabisera ng Italya, Enero 18, 2023 (local time) ang promosyon ng 2023 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Ipinakikilala’t isinusulong nito ang “magkakasamang panonood ng Spring Festival Gala” sa Europa.

 

Sa Britanya, isinahimpapawid naman ang promosyon ng nasabing gala sa isang news briefing na idinaos ng Embahadang Tsino sa bansa, at malaking pansin ang natawag nito mula sa mga personahe sa iba’t-ibang sirkulo.

 

Samantala, sa pinagdarausan ng taunang pulong ng World Economic Forum 2023 sa Davos, Switzerland, naibigan ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang bansa ang promosyon ng 2023 Spring Festival Gala ng CMG.

 

Bukod diyan, mula Enero 16 (local time), isasahimpapawid sa American Multi-Cinema (AMC) ang naturang promosyon.

 

Isasahimpapawid din ang multi-language video program tungkol sa Spring Festival Gala sa mahigit 60 istasyon ng telebisyon at new media sa mga bansang Europeo na tulad ng Italya, Espanya, Serbia, at Albania.

 

Bukod pa riyan, patuloy na isasagawa ng pangkalahatang istasyon ng CMG sa Europa ang makukulay na aktibidad upang maligayang salubungin, kasama ng mga mamamayang Europeo ang Bagong Taong Tsino.


Salin: Lito

Pulido: Rhio