Spring Festival Light Show ng CMG, isasahimpapawid sa Dubai

2023-01-20 13:41:33  CMG
Share with:

 

Isasahimpapawid Biyernes at Sabado, Enero 20 hanggang 21, 2023 ang Spring Festival Light Show ng China Media Group (CMG) sa Burj Khalifa Tower, Dubai para ipahayag sa buong mundo ang pagbati para sa Bagong Taong Tsino.

 

Bukod dito, inilagay rin ang pinakamalaking Light Emitting Diode (LED) screen sa katawan ng nasabing tore.

 

Ang light show ay nahahati sa tatlong bahagi: Ika-10 Anibersaryo ng Belt and Road Initiative, Ika-31 Summer World University Games sa Chengdu, at 2023 CMG Spring Festival Gala.

 

May taas na 828 metro, ang Burj Khalifa ay ang pinakamataas na tore sa buong mundo.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio