Resepsyon bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Tagsibol, idinaos ng CPC at Pamahalaang Sentral

2023-01-20 16:40:27  CMG
Share with:

Idinaos ngayong araw, Enero 20, 2023 sa Beijing ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pamahalaang Sentral ng bansa ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino, pinakamahalagang kapistahan ng Tsina.

 

Ipinahayag dito ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na noong nagdaang taon, magkasamang nagpunyagi ang CPC at sambayanang Tsino para matamo ang mga kapasin-pansing bunga sa larangan ng kabuhayan, lipunan, pamumuhay ng mga mamamayan, siyensiya, at pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sa taong 2023, patuloy aniyang isusulong ng CPC at Pamahalaang Sentral ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, pag-unlad ng kabuhayan, pagbubukas sa labas, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Dumalo sa resepsyon ang mga kinatawan ng CPC, Pamahalaang Sentral, Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, at iba pang personahe mula sa iba’t-ibang sektor ng bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio