CMG Komentaryo: Tsina, nagbigay ng malaking ambag sa paglaban ng buong daigdig sa COVID-19

2023-01-20 13:39:31  CMG
Share with:

Sapul nang isagawa ng Tsina ang optimisasyon sa pagpigil at pagkontrol ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) noong Enero 8, 2023, unti-unting napanumbalik sa normal ang pamumuhay ng mga Tsino.

 

Ipinakikita nito ang malaking ambag ng Tsina sa paglaban ng buong daigdig sa COVID-19 nitong nakaraang tatlong taon.

 

Una, ang buong sikap na pangangalaga ng pamahalaang Tsino sa kalusugan at kaligtasan ng buhay ng bawat Tsino ay positibong ambag sa paglaban ng buong daigdig sa COVID-19.

 

Pangalawa, ang bukas at malinaw na pagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa COVID-19 ay mahalagang basehan ng siyensiya para sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna ng virus.

 

Bukod dito, aktibong ipinagkaloob ng Tsina ang mga bakuna sa maraming bansa para tulungan silang maka-alpas sa sakit na dulot ng COVID-19.

Pangatlo, ang sabay na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at pagsusulong ng kabuhayang Tsino ay nagpapasigla sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Aktibo at ibayo pang binubuksan ng Tsina ang domestikong pamilihan nito sa mga dayuhang kompanya para pangalagaan ang katatagan ng kadena ng industriya at suplay.

 

Sa kasalukuyan, hindi pa tapos ang pandemiya at kailangan ng iba’t-ibang bansa ang magkasamang pagsikap para isakatuparan ang pagbangon ng kabuhayan at lipunan.

 

Dahil dito, patuloy na magbibigay-ambag ang Tsina sa paglaban sa pandemiya at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio