Bating Pambagong Taong Tsino, inihayag ni Xi Jinping sa sandatahang-lakas

2023-01-20 13:37:02  CMG
Share with:

Ipinahayag Enero 18, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati para sa Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino, pinakamahalagang kapistahan ng Tsina, sa People's Liberation Army, People's Armed Police Force, mga sibilyang empleyado ng militar, at mga miyembro ng milisya at reserbang puwersa.

 

Bukod dito, sa pamamagitan ng video, sinuri ni Xi ang mga gawain ng hukbong Tsino.

 

Aniya, sa panahon ng Pestibal ng Tagsibol, dapat pag-igihin ng Tsina ang mga paghahanda para pangalagaan ang katatagan ng lipunan at pambansang seguridad at igarantiya ang masayang selebrasyon ng mga mamamayang Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio