NDB VP: may pag-asang lumakas ang kabuhayang Tsino

2023-01-22 11:48:32  CRI
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Leslie Maasdorp, Pangalawang Presidente ng New Development Bank (NDB), na may pag-asang lumakas ang kabuhayang Tsino sa taong 2023. Ito aniya ay makakapagpatingkad ng mahalagang papel sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.


Sinabi niya na bunga ng pag-optimisa ng Tsina ng mga hakbangin laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), mapapasulong ang paglaki ng kabuhayang Tsino, at idudulot nito ang napaka-positibong impluwensiya sa Tsina at buong daigdig.


Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong taong 2022, lumampas sa 120 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa. Ito ay mas malaki ng 3% kumpara sa taong 2021.


Dagdag pa ni Maasdorp, napapatingkad din ng Tsina ang mahalagang papel sa pagpapasulong ng pag-unlad ng luntiang enerhiya sa buong mundo.


Salin: Lito

Pulido: Ramil