Tsina, mahalagang puwersa sa pag-unlad ng teknolohiya ng luntiang enerhiya — Puno ng IEA

2023-01-22 11:49:35  CRI
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Fatih Birol, Puno ng International Energy Agency (IEA), na ang Tsina ay mahalagang puwersa sa pag-unlad ng teknolohiya ng luntiang enerhiya.


Sinabi niya na ang Tsina ay mahalagang tagapagpasulong sa nasabing teknolohiya. Ang Tsina ay nasa unang hanay sa daigdig sa mga larangang gaya ng solar energy, wind energy, at e-vehicle.


Ayon sa pagtaya ng ulat ng “renewable energy 2022,” mula taong 2022 hanggang 2027, mayroong halos 50% bolyum ng karagdagang renewable energy ang Tsina sa buong mundo.


Nang mabanggit ang tunguhin ng presyo ng enerhiya, ipinahayag niya na dahil sa geopolitics, mayroon pa ring kawalang-katiyakan ang pangangailangan ng enerhiya sa buong mundo.


Sa taong 2023 ay magiging napakahirap na panahon ng merkado ng enerhiya, dagdag pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil