Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Afghanistan, nag-usap

2023-01-22 11:47:24  CRI
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Enero 21, 2023 kay Amir Khan Muttaqi, umaaktong Ministrong Panlabas ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan, sinabi ni Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang seguridad ng mga tauhan, organo, at proyektong Tsino sa Afghanistan.


Umaasa aniya siyang isasagawa ng panig Afghan ang malakas na hakbangin upang maigarantiya ang kaligtasan ng mga tauhan at organong Tsino sa Afghanistan.


Ani Qin, mataas na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon sa Afghanistan. Palagian aniyang iginagalang ng panig Tsino ang pagsasarili, soberanya, at kabuuan ng teritoryo ng bansang ito, at iginagalang ang sarilinang pagpili na nagawa ng mga mamamayang Afghan.


Ipinahayag naman ni Muttaqi na hindi pahihintulutan ng kanyang bansa ang paggamit ng anumang puwersa ng teritoryong Afghan sa pagsisira sa pagkakaibigang Afghan-Sino at pagpinsala sa kapakanan ng panig Tsino.


Isasagawa aniya ng kanyang bansa ang malakas na hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng mga tauhan at organong Tsino sa bansa.


Dagdag pa niya, iginigiit ng kanyang pamahalaan ang prinsipyong isang Tsina, kinakatigan ang panig Tsino sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo, at winiwelkam ang pagpapatingkad ng panig Tsino ng mas mahalagang papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Ramil