Sa pamamagitan ng iba’t-ibang tsanel ng China Media Group (CMG), 11 bilyong view ang natanggap ng 2023 CMG Spring Festival Gala noong bisperas ng Bagong Taong Tsino-Taon ng Kuneho, Enero 21, 2023.
Kabilang dito, umabot sa 50.5% ng lahat ng mga manonood ang nasa edad 15 hanggang 44 anyos.
Dahil dito, ang livestreaming sa new media ng naturang gala ay lumikha ng bagong tala sa kasaysayan.
Bukod diyan, ang pagsasahimpapawid nito sa ibayong dagat ay kinakitaan din ng ilang bagong rekord.
Bunga ng kooperasyon sa mga istasyon ng telebisyon sa limang wika ng China Global Television Network (CGTN) ng CMG at mga new media platform nito sa 68 lingguahe, at pakikipagtulungan sa mahigit 1,000 banyagang organisasyong pang-media, ang gala ay napanood sa 173 bansa’t rehiyon.
Samantala, 46 na ulat hinggil ng CCTV+ ng CMG hinggil sa gala ay 838 beses na ginamit at isinahimpapawid ng 231 outlet ng telebisyon mula sa 56 na bansa’t rehiyon.
Sa naturang mga outlet, 54% ang galing sa mga bansang G7, at 64% naman ang mula sa mga bansang G20.
Nitong apat na dekadang nakalipas, sapul nang magsimula itong isahimpapawid noong 1983, ang panonood ng taunang Spring Festival Gala na tinatawag na Chunwan sa wikang Tsino, kasama ng pagsasalu-salo, pagtitipun-tipon ng pamilya, at pagdidikit ng mga couplet ay bahagi na ng mga kagawian ng mga Tsino sa iba’t-ibang lugar ng daigdig, habang sabik na hinihintay ang pagdating ng Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino.
Ang pagtatanghal ay binubuo ng mga palabas na gaya ng awit, sayaw, dula-dulaan, opera, iskit pangkomedya o sketch comedy, sining ng pakikipaglaban o Wushu, akrobatika, at iba pa.
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Rhio
Mga Pilipino sa Tsina, masayang nagdiwang ng Chinese New Year
2023 Spring Festival Gala: Palabas ng Interactive Visual na Courtyard of Beauty- Colors of a Nation
2023 Spring Festival Gala: Kuwentong Musikal na Mga Kamangha-manghang Hayop at Masisiglang Bata
2023 Spring Festival Gala: Flagpole Acrobatics na Dragon Flying over China