Kabuhayang Amerikano noong ika-4 na kuwarter ng 2022, lumaki ng 2.9%

2023-01-27 15:00:37  CRI
Share with:

Ayon sa datos na kauna-unahang isinapubliko Enero 26, 2023 ng Kagawaran ng Komersya ng Amerika, noong ika-4 na kuwarter ng nagdaang taon, lumaki ng 2.9% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Amerika. Ito ay mas mataas kaysa unibersal na inaasahan ng merkado, ngunit mas mababa ito kumpara sa bahagdan ng paglaki nito noong ika-3 kuwarter noong isang taon.


Ayon sa datos, noong kabuuang taong 2022, lumaki ng 2.1% ang kabuhayang Amerikano kumpara sa taong 2021.


Ngunit ito ay mas mababa kaysa 5.9% na bahagdan ng paglaki ng kabuhayan nito noong taong 2021.


Salin: Lito

Pulido: Ramil