Tsina, dapat unahin ang pag-unlad sa peacebuilding

2023-01-27 15:02:17  CRI
Share with:

Sa kanyang talumpati sa bukas na debatehan ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa peacebuilding, ipinagdiinan Enero 26, 2023 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na dapat unahin ang pag-unlad sa gawain ng pagtatayo ng kapayapaan.


Ipinahayag ni Zhang na ang pagtatayo ng kapayapaan ay mahalagang bahagi ng pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan. Nagiging mas mahalaga ito at namumukod sa kasalukuyang situwasyon, aniya.


Sinabi niya na para sa maraming bansa, ang pag-unlad ay pundamental na kalutasan sa iba’t-ibang uri ng hamon.


Dapat aniyang totohanang ipatupad ng mga maunlad na bansa ang kanilang pangako sa mga aspektong tulad ng official development assistance (ODA) at pangingilak ng pondo.


Idinagdag ni Zhang na dapat inuuna ang mga mamamayan sa pagtatayo ng kapayapaan. Ang gawaing pamayapa at pagtatayo ng kapayapaan ng UN ay dapat igiit ang orihinal na aspirasyon ng “Karta ng UN,” at dapat gawing hangarin ng pagpupunyagi ng mga gawaing ito ang pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa, pagpapabuti ng kanilang pamumuhay, at pagkatig sa paghahanap ng mga mamamayan ng mas mabuting pamumuhay.


Sinabi niya na dapat ding pasulungin ang inklusibilidad at pagkakaisa sa pagtatayo ng kapayapaan. Dapat aniyang igarantiya ang pantay na pakikilahok ng mga mamamayan sa iba’t-ibang lebel ng lipunan sa pagsasaayos ng bansa.


Ito ang pinakamahalagang tungkuling kinakaharap ng mga bansa matapos ang sagupaan, ani Zhang.


Patuloy na susuportahan ng panig Tsino ang usapin ng pagtatayo ng kapayapaan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon upang makapagbigay ng ambag sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan, diin pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil