Kabuhayang Tsino sa 2023, bibilis — UN report

2023-01-27 14:59:52  CRI
Share with:

Ayon sa ulat “Kalagayan at Prospek ng Kabuhayang Pandaigdig sa 2023” na isinapubliko Enero 25, 2023 ng United Nations (UN), sa kasalukuyang taon, tinatayang lumaki ng 4.8% ang kabuhayang Tsino.


Samantala, susuportahan ng pag-ahon ng kabuhayang Tsino ang paglaki ng kabuhayan ng buong rehiyon.


Ipinahayag ng opisyal ng UN na napapanatili ng Tsina ang malakas na patakaran ng pinansiya at salapi, sa loob ng darating na ilang panahon, tataas ang pangangailan ng konsumo sa loob ng bansa.


Dagdag pa ng ulat, patuloy na mahaharap ang kabuhayang pandaigdig sa malaking presyur sa taong 2023.


Tinataya nitong sa kasalukuyang taon, bababa sa 1.9% ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig mula sa mga 3% noong taong 2022.


Salin: Lito

Pulido: Ramil