Isang mensahe ang ipinadala Enero 27, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Bob Dadae bilang pagbati sa kanyang panunungkulan muli bilang governor-general ng Papua New Guinea.
Tinukoy sa mensahe ni Xi na ang Papua New Guinea ay isa sa mga Pacific island countries na pinakamaagang naitatag ang relasyong diplomatiko sa Tsina, at walang patid na lumalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ani Xi, sa kasalukuyan, napapanatili ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Papua New Guinea ang pag-unlad sa mataas na lebel, mabunga ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan.
Ito aniya ay nakakapaghatid ng napakalaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Papua New Guinea. Nakahanda aniyang magsikap kasama ni governor-general Bob Dadae upang mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Lito