Unang lipad sa 2023, isinagawa ng eroplanong C919 ng Tsina

2023-01-30 15:18:54  CMG
Share with:

 

Enero 28, 2023, lunsod ng Nanchang, lalawigang Jiangxi – Isinagawa ng eroplanog C919, unang malaking pampasaherong eroplano na sariling disenyo at yari ng Tsina ang una nitong lipad sa taong 2023.

 

Dahil dito, ang nasabing lunsod ay isa na ngayong mahalagang bahagi ng proseso ng 100-oras na aircraft validation flight ng C919.

 

Ang nasabing balidasyon ay nagsimula noong Disyembre 26, 2022, at ang  pormal na operasyong komersyal ng eroplano ay itinakda sa unang kuwarter ng 2023.

 

Ang China Eastern Airlines ang unang nagkaroon ng C919, at ito’y may numerong B-919A.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio