CMG Komentaryo: Trahedya ng diskriminasyong panlahi, muling naganap sa Amerika

2023-01-30 13:58:20  CMG
Share with:

 

Idinaos kamakailan ang mga demonstrasyon sa maraming lugar ng Amerika bilang protesta sa pagkamatay ng Aprikano-Amerikanong si Tyre Nichols dahil sa labis na paggulpi ng limang pulis sa lunsod ng Memphis, estado ng Tennessee.

 

Ito ay isa na namang trahedya ng diskriminasyong panlahi.

 

Maaalalang noong 2020, isang katulad na trahedya ang nangyari kay George Floyd sa lunsod ng Minneapolis, estado ng Minnesota.

 

Pagkatapos nito, ipinatalastas ng panig pulisya ng Amerika na isasagawa ang reporma, pero ipinakikita ng kaso ni Tyre Nichols na walang sibil ang nasabing reporma.

 

Ang madalas na pagkaganap ng naturang trahedya ay mula sa mahabang kasaysayan ng diskrimiasyong panlahi sa Amerika.

 

Bukod dito, ang kasalukuyang malaking agwat at kompetisyon sa pagitan ng Democratic Party at Republican Party ay humahadlang sa pag-unlad ng reporma sa sistema ng pulisya ng bansa.

 

Noong 1968, ang pagpatay kay Martin Luther King Jr. ay nagpasulong sa pagpawi ng diskriminasyong panlahi at progreso ng demokrasya sa Amerika.

 

Pero sa kasalukuyan, ipinakikita ng mga trahedya na malayo pa ang kailangang lakarin upang maisakatuparan ang pangarap ni Martin Luther King Jr., na pagkakapantay-pantay at katarungan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio