Golden Ginnaree Award ng Thailand, iginawad sa kolum pantelebisyon ng CMG

2023-01-31 15:29:14  CMG
Share with:

 

Isang kolum pantelebisyon na magkasamang ginawa ng Asian and African Languages Programing Center ng China Media Group (CMG) at Nation TV ng Thailand ang ginawaran kamakailan ng Ika-8 Golden Ginnaree Public Honor Awards.

 

Pomal na isinahimpapawid noong Abril 2022, at pinamatagang “Visiting China,” laman ng naturang kolum ang tatlong programang – bahagi, gaya ng Thai People in China, China Talk, at China Thai Special.

 

Sinabi ni Phinij Jarusombat, dating Pangalawang Punong Ministro at Tagapangulo ng Thai-Chinese Cultural Promotion Committee, na sa pamamagitan ng naturang kolum, nalalaman ng mga mamamayang Thai ang mga kuwentong ginaganapan ng Tsina at tunay na pamumuhay ng mga Tsino.

 

Umaasa aniya siyang lalo pang lalakas ang kooperasyon sa pagitan ng CMG at mga media ng Thailand tungo sa pagpapalalim ng pagkaka-unawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio