Xi Jinping, inenkorahe ang mga batang Hungarian na maging sugo ng pagkakaibigan ng Tsina at Hungary

2023-01-31 15:27:48  CMG
Share with:

Sa kanyang liham kamakailan sa mga estudyante ng Hungarian-Chinese bilingual school sa Hungary, inenkorahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga estudyante ng paaralan na magpunyagi para mas malalim na maunawaan ang Tsina at maging sugo ng pagkakaibigan ng Tsina at Hungary.

 

Ani Xi, bukas ang mga pamantasan ng Tsina para tanggapin ang mga estudyante upang mapag-aralan ang mas marami pang bagay hinggil sa kasalukuyang kalagayan, kultura at kasaysayan ng Tsina.

 

Itinatag noong 2004, ang Hungarian-Chinese bilingual school ay may mahigit 530 na estudyante.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio