Pagtatatag ng bagong paraan ng pag-unlad, kailangang pabilisin – Xi Jinping

2023-02-01 16:43:16  CMG
Share with:

Sa ika-2 pang-grupong pag-aaral o group study ng Pulitburo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Martes, Enero 31, 2023 sa Beijing, idiniin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, na kailangang pabilisin ang pagtatatag ng bagong paraan ng pag-unlad, at pahigpitin ang seguridad at inisyatiba ng pag-unlad.

 

Tinukoy ni Xi na dapat maayos na isagawa ang reporma sa supply side at palawakin ang pangangailangan ng domestikong pamilihan, para isakatuparan ang mainam na sirkulasyon ng pambansang kabuhayan.

 

Saad pa niya, kailangan ding pabilisin ang inobasyon at progreso ng siyensiya’t teknolohiya para mapalakas ang pambansang kaunlarang pansiyensiya’t panteknolohiya.

 

Dagdag ni Xi, dapat pasulungin ang pag-unlad ng real economy, bagong industriya at manupaktura.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio