Wang Yi at Csaba Korosi, nagtagpo

2023-02-03 12:40:26  CMG
Share with:

Pebrero 2, 2023, Beijing – Sa pagtatagpo nina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Csaba Korosi, Presidente ng Ika-77 Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), sinabi ni Wang na, nakahanda ang Tsina upang pangalagaan ang pandaigdigang sistema, na ang nukleo ay UN, at ipagsanggalang ang kaayusang pandaigdig, kung saan, ang prinsipyo at layon ng Karta ng UN ang namamayani.

 

Diin pa niya, patuloy at matatag na kakatigan ng Tsina ang UN.

 

Bukod dito, pag-iigihin din aniya ng Tsina ang kooperasyon sa pagsasakatuparan ng Global Development Initiative at Global Security Initiative, pagbubutihin ang pagpapasulong ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN, at palalakasin ang magkasamang pagharap sa mga pandaigdigang hamon na gaya ng usapin sa yamang-tubig, pagbabago ng klima at biodibersidad.

 

Samantala, ipinahayag naman ni Korosi na nais ng UN na pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina para mapagtagumpayan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon na gaya ng pagpapapondo para sa pag-unlad, usapin sa yamang-tubig at pagbabago ng klima, at pasulungin ang pagsasakatuparan ang 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN.

 

Maliban diyan, nagpalitan din ng palagay ang magkabilang panig hinggil sa mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio