Ministrong Panlabas ng Tsina at Hapon, nag-usap

2023-02-03 12:45:21  CMG
Share with:

 

Sa pag-uusap sa telepono, Pebrero 2, 2023 nina Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina at Yoshimasa Hayashi, Ministrong Panlabas ng Hapon, ipinahayag ng panig Tsino, na ang mapayapang pakikipamuhayan at mapagkaibigang kooperasyong ay ang natatanging pagpili para sa dalawang bansa.

 

Dagdag niya, kailangang sundin ng Hapon ang pangako nito sa mga isyu ng kasaysayan at Taiwan, maingat na isagawa ang mga hakbangin at aksyon sa larangan ng militar at panseguridad, at pigilan ang probokasyon sa isyu ng Diaoyu Islands.

 

Umaasa aniya siyang patuloy na igigiit ng Hapon ang prinsipyong pampamilihan, at malaya’t bukas na diwa sa mga kooperasyon sa siyensiya’t teknolohiya, kabuhayan at kalakalan sa Tsina.

 

Hinimok din ni Qin ang Hapon na bukas, maliwanag, siyentipiko’t ligtas na pangasiwaan ang isyu ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.

 

Samantala, sinabi ni Hayashi na ang Hapon at Tsina ay may malawak na espasyo ng kooperasyon at malaking nakatagong lakas ng pag-unlad.

 

Nakahanda aniya ang Hapon na itayo ang konstruktibo at matibay na relasyong Hapones-Sino.

 

Tinatanggap ng Hapon ang pagbibigay ng positibong ambag ng Tsina sa komunidad ng daigdig, dagdag niya.

 

Ang taong 2023 ay ika-45 anibersaryo ng pagkakalagda sa Kasunduan ng Kapayapaan at Pagkakaibigan ng Tsina at Hapon.

 

Kaugnay nito, sumang-ayon ang dalawang lider, na samantalahin ang pagkakataong ito para sariwain ang diwa ng nasabing kasunduan, at pasulungin ang mga aktuwal na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio