Presidente ng UNGA, kinatagpo ni Premyer Li Keqiang ng Tsina

2023-02-04 14:34:48  CRI
Share with:

The Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Pebrero 3, 2023 kay Csaba Korosi, Presidente ng Ika-77 Sesyon ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UNGA), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang paghahanap ng kapayapaan at kaunlaran ay komong hangarin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa sa daigdig.


Ani Li, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping na iginigiit ng Tsina ang pagtahak ng landas ng multilateralismo, at pinangangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang nukleo ay UN.


Sinabi niya na sa harap ng kasalukuyang malalim at masalimuot na pagbabago ng situwasyong panrehiyon at pandaigdig, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba’t-ibang panig upang mapangalagaan ang layunin at prinsipyo ng “Karta ng UN” at pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang pandaigdig.


Tulad ng dati, patuloy na susuportahan at lalahukan ng Tsina ang iba’t-ibang gawain ng UN, at palalakasin ang pakikipagkoordinahan at pakikipagtulungan sa UN sa mga larangang gaya ng pagharap sa pagbabago ng klima, yamang-tubig, at reporma ng UN upang magkakasamang harapin ang mga hamong pandaigdig, dagdag pa niya.


Ipinahayag naman ni Korosi ang pag-asa ng UN na mapapalalim ang pagkakaibigan at mapapalakas ang kooperasyon nila ng Tsina para magkasamang harapin ang mga krisis na tulad ng pulitika, kabuhayan, ekolohiya, yamang-tubig, at makataong krisis na kasalukuyang kinakaharap ng daigdig.


Hinahangaan ng UN ang ibinibigay na suporta ng Tsina sa mga gawain ng UN, at inaasahan nito ang pagpapatingkad ng Tsina ng mas malaking papel sa maraming aspekto, aniya pa.


Salin: Lito