Tsina sa Hapon: dapat maayos na hawakan ang mga iniwang isyung historikal

2023-02-04 14:35:47  CRI
Share with:

Nagrali kamakailan ang isang organisasyong Pilipino sa pagsuporta sa mga biktima ng “comfort women” at mga nakaligtas na “comfort women” bilang protesta sa pamahalaang Hapones na sa kabila ng pagtutol ng mga kapitbansa nito, nagbabalewala muli sa puwersahang pangangalap ng mga “comfort women” sa pinakahuling ulat nito sa UN Human Rights Council (UNHRC).


Kaugnay nito, muling hinimok Pebrero 3, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Hapones na malalim na pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan nito, at maayos na hawakan ang mga iniwang isyung historikal na gaya ng “comfort women” sa matapat na atityud.


Ani Mao, ang puwersahang pangangalap ng “comfort women” ay isang grabeng krimen ng militarismong Hapones laban sa sangkatauhan. May napakatibay at di-mapapabulaanang ebidensyang pangkasaysayan sa isyung ito, diin pa niya.


Salin: Lito