Pagtatanghal bilang pagdiriwang sa Beijing Winter Olympic Games, idinaos sa Beijing

2023-02-06 16:28:47  CMG
Share with:

 

Binuksan kahapon, Pebrero 5, 2023 sa Beijing ang isang pagtatanghal bilang pagdiriwang sa unang anibersaryo ng matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympic Games.

 

Tatagal hanggang kalagitnaan ng Marso, ipapakita sa nasabing pagtatanghal ang mga kuwento sa paghahanda at pagdaraos ng nasabing Olimpiyada, sa pamamagitan ng 156 na litrato at 9 na video.

 

Kasabay nito, idaraos din ang mga palaro ng niyebe at yelo para sa mga mamamayang Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio