Mensahe ng pakikiramay kaugnay ng lindol, ipinadala ni Xi Jinping sa Turkiye at Syria

2023-02-07 09:28:46  CMG
Share with:

Magkahiwalay na nagpadala ng mensahe, Lunes, Pebrero 6, 2023, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkiye at Pangulong Bashar al-Assad ng Syria bilang pakikiramay sa malakas na lindol na naganap sa dalawang bansa.

 

Sa ngalan ng Pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Xi ang taos-pusong pakikidalamhati sa mga biktima at pakikiramay sa mga nasugatan at kanilang mga kamag-anakan.

 

Ani Xi, naniniwala siyang sa pamumuno ng kani-kanilang pangulo, siguradong mapagtatagumpayan ng mga pamahalaan at mamamayan ng Turkiye at Syria ang epekto ng kalamidad, at muling maitatayo ang kanilang mga komunidad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio