Kautusang magpapatupad sa batas ng pagsapi ng Iran sa SCO, pirmado na

2023-02-08 13:00:31  CMG
Share with:

 

Nilagdaan, Martes, Pebrero 7, 2023 ni Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran ang kautusang magpapatupad sa batas ng pagsapi ng Iran sa Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Ayon sa Tanggapan ng Pangulo ng Iran, ang naturang batas ay isinumite na sa Ministring Panlabas para sa pagpapatupad.

 

Anito pa, matapos sumapi ang Iran sa SCO, mas mabisa nitong mapangangalagaan ang sariling kapakanan sa larangang pangkabuhayan at mapapasulong din ang paglahok ng bansa sa Belt and Road Initiative (BRI).

 

Ang SCO ay itinatag ng Tsina, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan, noong 2001, sa Shanghai, Tsina.

 

Noong 2017, sumapi rin dito ang Indiya at Pakistan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio