Modernisasyong Tsino, dapat ganap na unawain at isulong – Xi Jinping

2023-02-08 11:35:55  CMG
Share with:

 

Martes, Pebrero 7, 2023 – Sa pagbubukas ng sesyon sa pag-aaral ng Party School ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC)—National Academy of Governance, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, na ang konsepto ng modernisasyong Tsino ay mahalagang inobasyon sa teorya ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC at importanteng bunga ng eksplorasyon at praktika ng sambayanang Tsino sa ilalim ng liderato ng CPC.

 

Ani Xi, dapat ganap na unawain at isulong ang modernisasyong Tsino.

 

Tinukoy pa niya na ang modernisasyong Tsino ay nag-uugat sa tradisyonal na kulturang Tsino, kumakatawan sa modernong kalikasan ng siyentipikong sosyalismo at gumagamit ng magagandang bunga ng sibilisasyon ng sangkatauhan.

 

Subalit, binigyang-diin niyang ang modernisayon ay hindi katumbas ng Westernisasyon, at ang modernisasyong Tsino ay may ibang modelo sa modernisasyon ng mga kanluraning bansa.

 

Ito ay nagpapalawak ng landas ng pag-unlad ng mga umuunlad na bansa patungo sa modernisasyon, saad niya.

 

Ani Xi, ang pag-unlad ng modernisasyong Tsino ay dapat naka-akma sa kalagayang pandaigdig at sumunod sa komong hangarin ng mga Tsino.

 

Dumalo sa sesyong ito ang mga bagong halal na miyembro at alternatibong miyembro ng Komite Sentral ng CPC, at mga pangunahing opisyal sa antas na panlalawigan at ministeriyal.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio