Pang-grupong paglalakbay palabas ng Tsina, masigla

2023-02-09 16:16:39  CMG
Share with:

 

Sapul nang panumbalikin ng Tsina ang operasyon ng mga ahensyang panturismo para sa mga pang-grupong paglalakbay sa ibayong dagat, Pebrero 6, 2023, mabilis na dumarami ang mga Tsinong bumibiyahe sa ibang bansa.

 

Ayon sa Ctrip.com ng Tsina, ang Thailand, Biyetnam, Indonesia, Singapore at Cambodia ay top 5 na bansang pinakagustong bisitahin ng mga Tsino.

 

Ayon naman sa Travel Go, isang online travel agency ng Tsina, 5 beses na lumaki ang bilang ng pag-search ng mga turistang Tsino sa mga serbisyo ng paglalabay sa ibayong dagat, at ang Thailand ang pinakapopular na destinasyong nais nilang dalawin.

 

Sa kasalukuyan, napanumbalik na ang operasyon ng mga ahensyang panturismo para sa pang-grupong paglalakbay sa 20 bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Thailand, Indonesya, Kambodya, at iba pa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio