Pagbubukod at paglilipat ng sariwang produktong agrikultural, natupad sa pamamagitan ng mga robot

2023-02-09 22:15:10  CMG
Share with:

Sa loob ng isang intelligent logistics distribution center sa lunsod Xiangyang, probinsyang Hubei ng Tsina, gumagalaw sa pagitan ng mga banggerahan ang mga robot, para magbukod ng gulay, prutas at iba pang sariwang produktong agrikultural.

 

Sa ilalim ng intelligent distribution system, awtomatiko at maayos na isinasagawa ng mga robot ang mga gawaing gaya ng pagkontrol sa kalidad, pagbubukod at paglilipat ng mga produkto, at pagsubaybay sa mga proseso sa totoong oras.

 

Sa sandaling pumasok dito ang mga sariwang produktong agrikultural, tatlong oras lamang ang itatagal ng buong proseso, mula pagsusuri hanggang sa pagbabalot.

 

Ang mga produktong ito ay ipinapadala sa mga pamilihan sa iba’t-ibang lugar ng Tsina.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio

Video Editor: Kulas