Pamumuhunang panlabas ng Tsina noong 2022, lumaki ng 5.2%

2023-02-10 15:32:08  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, Pebrero 10, 2023, umabot sa mahigit 985.3 bilyong yuan Renminbi ang kabuuang bolyum ng direktang pamumuhunang panlabas ng bansa noong nagdaang taon, at ito’y lumaki ng 5.2% kumpara noong 2021.

 

Kabilang dito, ang halaga ng pamumuhunan sa di-pinansiyal na sektor ay umabot sa mahigit 785.9 bilyong yuan Renminbi na lumaki ng 7.2%.

 

Anang ministri, mabilis ding lumaki ang pamumuhunang panlabas ng Tsina sa retail sales, manupaktura at serbisyong komersyal.

 

Ang pamumuhunan sa ibayong dagat ng mga kompanyang mula sa lalawigang Guangdong, Zhejiang at Shanghai ay nasa top 3 ng listahan ng pamumuhunang panlabas ng mga kompanyang Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio