Xi Jinping sa mga tauhang medikal ng Tsina sa Aprika: bigyan ng pakinabang ang mga mamamayang lokal

2023-02-10 15:38:50  CMG
Share with:

Sa kanyang liham, Huwebes, Pebrero 9, 2023 sa ika-19 na grupong medikal ng Tsina na itinalaga sa Central African Republic, hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga miyembro ng nasabing grupo na bigyan ng kapakinabangan ang mga mamamayang lokal sa pamamagitan ng kanilang husay at kaalamang medikal.

 

Aniya, ang mga tauhang medikal ng Tsina sa Central African Republic ay mga embahador din ng Tsina, na naghahatid ng pagkakaibigan sa bansang ito.

 

Bukod diyan, ipinaabot din ni Xi ang pagbati sa mga manggagawang medikal sa lokalidad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio