PPI ng Tsina noong Enero 2023, bumaba

2023-02-10 13:46:34  CMG
Share with:

 

Ayon sa National Bureau of Statistics ng Tsina (NBS), Pebrero 10, 2023,  bumaba ang Producer Price Index for Industrial Products (PPI) ng bansa noong nagdaang Enero 2023, at ito ay mas maliit ng 0.8% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

 

Kung ihahambing naman sa Disyembre 2022, mas mababa rin ng 0.4% ang naturang PPI, dagdag ng NBS.

 

Samantala, ang Industrial Producer Purchase Price Index ng bansa noong isang buwan ay tumaas ng 0.1% kumpara sa gayunding panahon ng 2022, at bumaba ng 0.7% kumpara sa Disyembre 2022.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio