Xi Jinping at Hun Sen, nagtagpo: konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina’t Kambodya, isusulong

2023-02-10 14:42:03  CMG
Share with:

 

Sa pagtatagpo ngayong araw, Pebrero 10, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, tinukoy ni Xi, na ang taong 2023 ay ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Kasama ng Kambodya, nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa sa bagong antas.

 

Mataas namang tinasa ni Hun Sen ang mga natamong bunga ng Tsina sa iba’t-ibang larangan, lalo na sa pagpawi ng kahirapan.

 

Ipinaabot din niya ang pananalig sa pagkakamit ng Tsina, sa mga target sa konstruksyon ng modernong sosyalistang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio