Kabuhayang Tsino, mapapasigla ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig

2023-02-12 13:58:24  CRI
Share with:

Ayon sa pagtaya ng ulat na inilabas kamakailan ng website ng Goldman Sachs, aabot sa 6.5% ang karaniwang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino sa 4 na kuwarter ng kasalukuyang taon.


Ang mabilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino ay makakapagpasigla sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, anito.


Tinukoy nito na hanggang katapusan ng kasalukuyang taon, ang mabilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino at pagpapanumbalik ng pangangailangang panloob nito ay posibleng makakapagpasulong ng 1% paglaki ng kabuhayang pandaigdig.


Dagdag pa ng ulat, sa pamamagitan ng 3 tsanel na kinabibilangan ng pangangailangang panloob, outbound travel, at bulk commodity, makakapagbigay ang kabuhayang Tsino ng direkta at positibong impluwensiya sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.


Salin: Lito