Panauhin ng Nicaragua, kinatagpo ni Wang Yi

2023-02-12 13:56:48  CRI
Share with:

Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Pebrero 11, 2023 kay Laureano Ortega, tagapayo sa pamumuhunan, kalakalan at kooperasyong pandaigdig ng tanggapang pampanguluhan ng Nicaragua, ipinahayag ni Wang Yi, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at director ng Komisyon ng Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, na nitong mahigit isang taong nakalipas sapul nang mapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Nicaragua, sa estratehikong pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, mabilis na isinusulong ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.


Ani Wang, napapatunayang ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Nicaragua ay magkatugma sa tunguhing historikal, at angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Tiyak itong makakalikha ng mas malawak na prospek para sa komprehensibong pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, diin ni Wang.


Ipinahayag naman ni Laureano Ortega na buong tatag na sinusuporta ng kanyang bansa ang Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.


Kinakatigan din aniya ng Nicaragua ang “Belt and Road” Initiative, Global Development Initiative, at Global Security Initiative na iniharap ng panig Tsino.


Salin: Lito