Sa ilalim ng temang “Transpormasyong Didyital at Kinabukasan ng Edukasyon,” binuksan ngayong araw, Pebrero 13, 2023 sa Beijing ang dalawang araw na World Digital Education Conference, kung saan lumalahok ang mga kinatawan mula sa mahigit 130 bansa’t rehiyon.
Kasali rin dito ang mga sugo ng halos 50 bansa at pandaigdigang organisasyon sa Tsina.
Tatalakayin sa pulong ang mga isyung kinabibilangan ng pagdedebelop at paggamit ng yaman sa didyital na edukasyon, pagsasanay ng mga guro’t estudyante sa larangang didyital, at pangangasiwa ng edukasyon sa pamamagitan ng mga didyital na paraan.
Kaugnay nito, sinabi ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na ang Smart Education of China, isang online na plataporma ng edukasyon, ay nagkakaloob ng serbisyo sa mga user ng mahigit 200 bansa’t rehiyon.
Hanggang Pebrero 10, 2023, mahigit 1 bilyong person-time ang bumisita sa nasabing plataporma, dagdag pa ng ministri.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio