Ika-2 pangkat ng makataong suplay na bigay ng Tsina sa Syria, lumisan ng Beijing

2023-02-13 15:26:33  CMG
Share with:

 

Lumisan ng Beijing madaling araw, Pebrero 13, 2023 ang ikalawang pangkat ng makataong suplay na ibinigay ng Red Cross Society ng Tsina sa mga nilindol na purok ng Syria.

 

Kabilang sa nabanggit na mga suplay ay tolda, pang-araw-araw na gamit at medisina.

 

Nauna rito, umabot na sa Syrian Arab Red Crescent (SARC) at ginamit na sa mga nilindol na lugar ang unang pangkat ng makataong tulong mula sa Red Cross Society ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio