Tsina, umaasang mapapalalim ang relasyon sa Iran

2023-02-14 16:21:20  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Lunes, Pebrero 13, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran sa Tsina, umaasa ang panig Tsino na mapapasulong ang malaking progreso sa komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Saad ni Wang, sa tulong ng Iran, handang gumanap ng positibong papel ang Tsina para sa pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyon ng mga bansa sa Gitnang Silangang Asya, at pagpapasulong ng katatagan at kapayapaan sa rehiyon.

 

Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isasagawa ni Raisi ang dalaw pang-estado sa Tsina mula Pebrero 14 hanggang 16.

 

Ani Wang, sa pananatili ni Raisi sa Tsina, mag-uusap sila ni Xi hinggil sa plano at direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.

 

Bukod dito, makahiwalay ding makikipagtagpo kay Raisi sina Premyer Li Keqiang at Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio