Dalawang nawalang mangingisdang Pilipino, iniligtas ng mga mangingisdang Tsino

2023-02-14 16:42:30  CMG
Share with:

 

Ini-ulat ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na dalawang nawalang mangingisdang Pilipino ang iniligtas kamakailan ng mga mangingisdang Tsino sa dagat.

 

Sa kasalukuyan, nakabalik na sa kani-kanilang pamilya sa Mamburao, Occidental Mindoro ang dalawang Pilipino, dagdag ng embahada.

 

Kabilang sa dalawang nasagip ay sina Jerome Fortu at Jaybogs Fortu, na lumisan, Pebrero 4, 2023 mula sa Occidental Mindoro at nawalan ng kontak sa dagat dahil naubos ang gasolina ng kanilang sinasakyang bangka.

 

Anang Embahadang Tsino, magkahiwalay na nakita at iniligtas, Pebrero 5 at 6 sina Jaybogs at Jerome ng isang barkong pangisda ng Tsina.

 

Makaraang masagip, pinagkalooban ng pagkain at tubig ng mga mangingisdang Tsino sina Jerome at Jaybogs at inihatid sa barkong pangisda ng Pilipinas na may numerong 133U.

 

Makaraang tanggapin ang ulat mula sa nasabing barkong pangisda ng Pilipinas, sinundo ng Western Command (WESCOM) ng Armed Forces ng Pilipinas (AFP) sina Jaybogs at Jerome.


Salin:Ernest

Pulido: Rhio/Jade