Pananaw ni Xi sa yamang kultural ng Tsina: Episode 2 -Dunhuang

2023-02-15 16:58:07  CMG
Share with:

Sa kasaysayan ng pag-unlad ng sibilisasyong Tsino, makikita ang madalas nitong pakikipagpalitan at pagpulot ng mga kagandahan mula sa ibang sibilisasyon.

 

Ang Dunhuang ay isang ulirang halimbawa ng bunga ng pagpapalitan ng sibilisasyong Tsino at ibang nasyon.

 

Sa kasalukuyan, bukas para sa buong daigdig na silayan ang mahigit 6,500 relikya at bersyong didyital ng mga dokumentong natuklasan sa Dunhuang – mga di-mabuburang katunayan ng pagpapalitan at pag-aaral sa pagitan ng sibilisasyong Tsino at iba pang sibilisasyon ng daigdig.