3 patay 9 sugatan sa pagsabog sa Myanmar

2023-02-15 17:04:08  CMG
Share with:

 rehiyong Bago ng Myanmar (file photo)


Inihayag, Pebrero 13, 2023 ng Grupo ng Impormasyon ng Konseho ng Pangangasiwa ng Estado ng Myanmar, na 3 ang nasawi at 9 na iba pa ang nasugatan sa pagsabog nang araw rin iyon sa istasyon ng tren sa rehiyong Bago, dakong timog ng Myanmar.

 

Anang konseho, ang nasabing insidente ay gawa ng mga armadong grupong kontra sa pamahalaan.

 

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga puwersang panseguridad ng pamahalaan ang mga may-kagagawan, anito pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio