CMG Komentaryo: Katotohanan sa isyu ng karapatang-pantao ng Amerika, naibunyag sa pagkadiskaril ng tren

2023-02-15 16:13:59  CRI
Share with:

Malaking sunog ang naganap sanhi ng pagkadiskaril ng isang tren na may mga 50 bagon ng kompanyang Norfolk Southern, Pebrero 3, 2023 sa East Palestine, isang maliit na bayan sa estado ng Ohio, Estados Unidos.


Ayon sa media ng Amerika, mga nakakalasong bagay na medikal ang karga ng 10 sa mga 50 bagon, at dagdag pa rito, malaking panganib ang idinulot ng pagsabog ng 5 bagong may lulang vinyl chloride.


Bilang tugon, ipinasiya, Pebrero 6 ng lokal na awtoridad na  “kontroladong ibuga” ang nakalalasong gas – ibig sabihin, ilalagay ang vinyl chloride sa isang takdang tunnel upang pasubugin, at pangkagipitang ilikas ang mga residenteng naninirahan sa karatig na lugar.


Pagkatapos ng 3 araw, pinagsabihan ng departamentong lokal ang mga residente na pwede na silang umuwi, at inihayag nito na walang idinulot na polusyon ang nadiskaril na tren.


Pero noong Pebrero 13, naging viral ang napakaraming kakila-kilabot na larawan sa social media, at nalaman ng mga tao ang grabeng epekto ng naturang aksidente.


Sa kasalukuyan, natutuklasan ang iba’t-ibang simtomas ng pagkakasakit sa mga nakauwing residente.


Samantala, natuklasan din ang simtomas ng pagkalason sa mga hayop.


Nais alamin ng mga tao kung anong tunay na kapinsalaan sa kapaligiran ang naidulot ng aksidente? Anong katugong hakbangin ang isinasagawa ng pamahalaang Amerikano at Norfolk Southern?


Ngunit hanggang sa ngayon, kalungkutan ang nararamdaman ng mga mamamayan at wala pa ring sagot at aksyon mula sa mga kinauukulan.


Unang una, ayon sa datos ng Norfolk Southern, hindi lamang vinyl chloride ang karga ng mga bagon, may lulan din itong iba pang nakakalasong bagay.


Ngunit, hanggang sa ngayo’y hindi pa isinasapubliko ng pamahalaang Amerikano ang kongkretong bolyum ng mga tumagas na may-lasong bagay.


Ikalawa, nakapagtataka ang pagbabalita ng mga media ng Amerika sa aksidenteng ito.


Nang maganap ang nasabing aksidente noong Pebrero 3, kaunti lang ang naibalita ng mga media ng Amerika.


Sa harap ng napakalaking banta sa buhay, kalusugan, at kapaligiran, bakit di-nakamtan ng mga mamamayang Amerikano ang kanilang pundamental na karapatan sa pag-alam sa katotohanan?


Ikatlo, di-pangkaraniwang kompanya ang Norfolk Southern.


Ayon sa media ng Amerika, mula noong administrasyon ni Barack Obama, pinayuhan nito ang tatlong sunud-sunod na presidente na buwagin ang pangangasiwa sa mga hakbanging panseguridad, at inalis ang paggamit ng Electronically Controlled Pneumatic (ECP) Brake System sa kanilang mga tren.


Ayon sa propesyonal na teknika, kung mayroong ECP Brake System, malayong maganap ang nasabing aksidente.


Sa kabilang dako, tinukoy ng “The Guardian” ng Britanya na sa loob ng mahabang panahon, nananaig ang kita kaysa seguridad, sa industriya ng daam-bakal ng Amerika.


Naibunyag ng aksidenteng ito ang kawalang-superbisyon at pangangasiwa sa industriyang nabanggit.


Sa lipunang Amerikano na kita lamang sa negosyo ang pinakamaghalaga, madalas na lumilitaw ang pagkakagulo.


Sino ang dapat mangalaga sa buhay ng mga kawanirang Amerikano, at sino ang dapat magtanggol sa kanilang kalusugan?


Sa isyung ito, hindi dapat magpikit-mata ang mga politikong Amerikano, na ang bukam-bibig araw-araw ay karapatang-pantao.


Salin: Lito

Pulido: Rhio