Sa pag-uusap, Martes, Pebrero 14, 2023 sa Beijing nina Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Hossein Amir-Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran, ipinahayag ni Qin na kasama ng panig Iranyo, nakahandang palalimin ng Tsina ang aktuwal na kooperasyon at isakatuparan ang mga bagong komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.
Idiniin ni Qin na dapat patuloy na kumatig sa isa’t-isa ang dalawang bansa sa mga isyung may-kinalaman sa kani-kanilang nukleong kapakanan, at palakasin ang kooperasyon at pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para magkasamang mapasulong ang pangmatagalang katatagan at kapayapaan ng rehiyon, at mapangalagaan ang komong interes ng mga umununlad na bansa at pandaigdig na pagkakapantay-pantay at katarungan.
Ipinahayag naman ni Amir-Abdollahian na lubos na pinahahalagahan ng Iran ang pagpapasulong ng relasyon sa Tsina.
Sinabi niyang kasama ng Tsina, nakahanda ang kanyang bansa na isakatuparan ang mahahalagang komong palagay ng mga puno ng estado ng dalawang bansa, pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan at katigan ang isa’t-isa sa mga isyung may-kinalaman sa nukleong kapakanan.
Kaugnay ng isyung nuklear ng Iran, inilahad ni Amir-Abdollahian ang pinakahuling progreso sa talastasan hinggil sa pagpapanumbalik ng pagpapatupad ng Joint Comprehensive Plan of Action sa isyung ito .
Pinapurihan din niya ang konstruktibong papel ng panig Tsino sa nasabing usapin.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Qin na kinakatigan ng panig Tsino ang pangangalaga ng Iran sa sariling lehitimong kapakanan at karapatan, at patuloy na pasusulungin ang proseso ng paglutas sa isyung ito sa paraang pulitikal at diplomatiko.
Nanawagan din si Qin sa ibang mga may-kinalamang panig na magsikap para rito.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio