Relasyong Sino-Pranses, isusulong

2023-02-16 15:52:16  CRI
Share with:

Paris — Kinatagpo Pebrero 15 (local time), 2023 ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya si Wang Yi, dumadalaw na Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).


Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wang na palagiang itinuturing ng panig Tsino ang panig Pranses, bilang preperensyal na katuwang. Nakahanda aniya ang panig Tsino, na ibayo pang palalimin kasama ng panig Pranses ang pagdadalawan ng kapwa panig sa mataas na antas, upang makapagbigay ng bagong ambag sa pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon at pagharap sa mga hamong pandaigdig.


Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na komprehensibong panumbalikin ang pakikipagpalitan sa Pransya sa iba’t-ibang larangan.


Ipinahayag naman ni Macron na mahalagang katuturan ang pagpapalakas ng estratehikong diyalogong Pranses-Sino.


Sa harap ng masalimuot na situwasyong pandaigdig, dapat magkasamang magsikap ang Pransya at Tsina para mapangalagaan ang katatagan at pagkabalanse, igiit ang multilateralismo, tutulan ang bloc confrontations, at maiwasan ang pagkakahiwalay-hiwalay ng daigdig, aniya pa.


Salin: Lito

Pulido: Ramil