Isang mensaheng pambati ang ipinadala Pebrero 16, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa porum na pangkooperasyon sa industriya at kalakalan ng Tsina at limang bansa sa Sentral na Asya na kinabibilangan ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan.
Tinukoy sa mensahe ni Xi, na nitong 30 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at limang bansa sa Sentral na Asya, magkakasunod silang nagkaroon ng estratehikong partnership, at naitatag ang modelo ng bagong relasyong pandaigdig.
Nakahanda aniya ang Tsina na palalimin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa nasabing limang bansa, upang magkakasamang mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng rehiyonal na kabuhayan, at maitayo ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Sentral na Asya.
Binuksan nang araw ring iyon sa lunsod Qingdao, probinsyang Shandong ng Tsina, ang nasabing porum.
Salin: Lito
Pulido: Ramil